Ecclesiastico 29:25-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

25. Kahit siya ang humarap sa mga panauhin at mag-abot ng inumin, walang magpapasalamat sa kanyang ginawa.Sa halip, makakarinig pa siya ng masasakit na salita:

26. “Halika rito, dayuhan, ihanda mo ang hapag-kainan,at kung may dala kang pagkain, ibigay mo sa akin.”

27. O kaya'y, “Umalis ka na, dayuhan, mayroon akong ibang panauhin,darating ang kapatid ko, at kailangan ko ang silid na iyong tinutuluyan.”

28. Masakit sa isang marunong makiramdamang siya'y hamakin ng tinutuluyan o alipustain ng pinagkakautangan.

Ecclesiastico 29