2. Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,at kapag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
3. Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,kapag tumawag sa Panginoon, walang kakamting awa.
4. Kung hindi siya nahahabag sa kapwa,paano niya ihihingi ng tawad ang kanyang mga kasalanan?
5. Kung siya na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit,sinong magpapatawad sa kanyang mga kasalanan?
6. Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit.Isipin mo ang kamatayan at maging tapat ka sa mga Kautusan.
7. Tandaan mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa;alalahanin mo ang kasunduan ng Kataas-taasang Diyos at matuto kang magpatawad.
8. Iwasan mo ang pagtatalo nang hindi ka laging magkasala;ang mainitin ang ulo ay laging napapaaway.
9. Ang masamang tao'y naghahasik ng alitan,pinag-aaway-away nito ang mga magkakaibigan.
24-25. Kung sinususian ang ginto mo't pilak upang hindi manakaw,mga salita mo ay dapat timbangin at pakaingatan.Kung pinalilibutan mo ang iyong ubasan ng bakod na tinik,lagyan mo ng pinto't matibay na tarangka ang iyong bibig.