19. Mapalad ang taong dito'y nakaiwas,sa kalupitan nito'y lubhang nakaligtas.Mapalad ang taong hindi nito nagapos,at hindi nagpasan ng pamatok nito.
20. Ang pamatok nito'y sintigas ng bakal,ang tanikala'y mabigat na tanso.
21. Ang kamatayang iginagawad nito'y kakila-kilabot,higit na malupit kaysa libingan.
22. Walang magagawa ang dilang malupit sa mga tunay na banal,at hindi sila masusunog ng apoy nito.