1. Maraming nandaraya sa hangad na tumuboat upang yumaman, nagiging walang puso.
2. Ang pandaraya'y mahirap mawala sa pagbibilihan;para itong kahoy na nakatusok sa pagitan ng dalawang bato.
3. Ang sambahayan ng isang tao'y madaling babagsak,kung hindi matibay ang kanyang paggalang sa Diyos.
4. Kapag niliglig mo ang bistay, maiiwan ang magaspang;kapag ang tao'y nagsalita, kapintasa'y lumilitaw.
5. Ang gawa ng magpapalayok ay sa hurno nasusubok,ang pagkatao ng sinuma'y makikita sa kanyang pangangatuwiran.
6. Sa bunga ng punongkahoy nakikilala ang ginagawang pag-aalaga;sa pangungusap ng isang tao, damdamin niya'y nahahalata.
7. Huwag mo munang pupurihin ang isang tao hanggang hindi nagsasalita,sapagkat doon mo pa makikilala ang tunay niyang puso't diwa.