Ecclesiastico 25:7-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Siyam na bagay ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan,at may isa pa akong idaragdag:Ang magulang na ang kaligayahan ay ang kanyang mga anak;ang taong saksi sa pagbagsak ng kanyang mga kaaway;

8. ang lalaking may matalinong asawa;ang mag-asawang nagkakasundo,ang taong hindi nagkakasala sa pananalita;ang taong hindi naglilingkod sa mas hamak kaysa kanya;

9. ang taong nakatagpo ng isang tapat na kaibigan;ang taong kinagigiliwang pakinggan kapag siya'y nagsasalita;

10. ang taong nagkamit ng Karunungan;ngunit higit sa lahat ang taong may paggalang sa Panginoon.

13. Sa lahat ng sugat, pinakamahapdi ang sugat sa puso;sa lahat ng panliligalig, wala nang hihigit pa sa panliligalig ng babae.

14. Pinakamasakit na pahirap ang parusa ng napopoot;pinakamalupit na ganti ang paghihiganti ng kaaway.

15. Pinakamasamang kamandag ang kamandag ng ulupong;pinakamatinding poot ang poot ng babae.

16. Mabuti pa ang mag-alaga ng isang leon o dragon,kaysa mag-asawa ng isang masungit na babae.

17. Ang mukha niya'y pinapapangit ng kanyang kasungitan,anupa't siya'y nagmumukhang galit na oso.

18. Kapag ang asawa niya'y kasalo ng kanyang mga kaibigan,abut-abot ang kanyang buntong-hiningang di mapigilan.

19. Walang ligalig sa buhay na maipapantay sa kaligaligang dulot ng babae;nawa'y sapitin din niya ang kasawian ng mga makasalanan.

Ecclesiastico 25