Ecclesiastico 25:13-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Sa lahat ng sugat, pinakamahapdi ang sugat sa puso;sa lahat ng panliligalig, wala nang hihigit pa sa panliligalig ng babae.

14. Pinakamasakit na pahirap ang parusa ng napopoot;pinakamalupit na ganti ang paghihiganti ng kaaway.

15. Pinakamasamang kamandag ang kamandag ng ulupong;pinakamatinding poot ang poot ng babae.

16. Mabuti pa ang mag-alaga ng isang leon o dragon,kaysa mag-asawa ng isang masungit na babae.

17. Ang mukha niya'y pinapapangit ng kanyang kasungitan,anupa't siya'y nagmumukhang galit na oso.

18. Kapag ang asawa niya'y kasalo ng kanyang mga kaibigan,abut-abot ang kanyang buntong-hiningang di mapigilan.

19. Walang ligalig sa buhay na maipapantay sa kaligaligang dulot ng babae;nawa'y sapitin din niya ang kasawian ng mga makasalanan.

20. Kung gaano kahirap para sa isang matanda ang umahon sa isang bundok na buhangin,gayon kahirap para sa isang lalaking tahimik ang makisama sa isang babaing madaldal.

21. Huwag kang pahahalina sa kagandahan ng babae,at huwag kang mahuhumaling na makamtan siya.

22. Kapag ang lalaki'y palamunin ng asawa,wala siyang mahihintay kundi kadustaan, kahihiyan at alimura.

23. Ang masungit na babae'y hirap ng loob ng asawa,at wala siyang idudulot dito kundi pawang kalungkutan, kabiguan at kahihiyan.

24. Sa babae nagsimula ang kasalanan,at dahil sa kanya tayong lahat ay mamamatay.

25. Huwag mong babayaang tumulo ang tubig,at pigilan mo ang masamang pananalita ng iyong asawa.

Ecclesiastico 25