3. “Nanggaling ako sa bibig ng Kataas-taasang Diyos,at parang ulap na lumukob ako sa ibabaw ng lupa.
4. Ang tahanan ko'y nasa kaitaasan,at ang luklukan ko'y nasa ibabaw ng isang haliging ulap.
5. Nag-iisa akong naglibot sa kalangitanat naglakad sa pusod ng kalaliman,
6. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang tubig sa karagatan,ang buong daigdig at ang lahat ng mga bansa at lahi.
7. Naghanap ako ng mapapagpahingahan sa piling nila,namili ako sa kanilang mga lupain ng matitirahan.
8. At ang Lumalang sa lahat ang nag-utos sa akin;siya, na lumikha sa akin ang nagtakda ng aking tirahan.Sinabi niya, ‘Sa lupain ni Jacob, itayo mo ang iyong tahanan,ang bayang Israel ang iyong magiging mana.’
9. Nilikha niya ako bago pa nagsimula ang mga panahon,at mananatili ako magpakailanman.
23-24. Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.
25. Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.
26. Sa Kautusan bumubukal ang pang-unawa, umaagos na gaya ng Ilog Eufrates,tulad ng Ilog Jordan sa panahon ng tag-ani.
27. Sa Kautusan bumubukal ang mabubuting aral, gaya ng Ilog Nilo,tulad ng Ilog Gihon sa panahon ng pamimitas ng ubas.
28. Kung paanong hindi lubos na maunawaan ng unang tao ang karunungan,wala pa ring makatatarok sa kanya hanggang sa wakas.
29. Sapagkat malawak pa kaysa karagatan ang kanyang kaisipan,malalim pa kaysa kalaliman ang kanyang mga payo.
30. Ang tulad ko'y isang kanal ng patubig,na umaagos mula sa ilog patungo sa isang halamanan.