Ecclesiastico 24:21-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Kainin ninyo ako't inumin,at hihingi pa uli kayo.

22. Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”

23-24. Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.

25. Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.

26. Sa Kautusan bumubukal ang pang-unawa, umaagos na gaya ng Ilog Eufrates,tulad ng Ilog Jordan sa panahon ng tag-ani.

27. Sa Kautusan bumubukal ang mabubuting aral, gaya ng Ilog Nilo,tulad ng Ilog Gihon sa panahon ng pamimitas ng ubas.

28. Kung paanong hindi lubos na maunawaan ng unang tao ang karunungan,wala pa ring makatatarok sa kanya hanggang sa wakas.

Ecclesiastico 24