12. Nag-ugat ako sa piling ng bayang dinakila,at piniling maging tanging bayan ng Panginoon.
13. Doon ay yumabong akong gaya ng sedar sa Lebanonat tulad ng sipres sa Bundok ng Hermon.
14. Doon ay tumaas akong gaya ng palma sa Engedi,at nanariwang gaya ng rosas sa Jerico.Doon ay lumago akong tulad ng olibo sa kabukiran,at tulad ng isang malaking puno ay lumaki ako.
15. Humalimuyak ang aking bango tulad ng kanela,gaya ng balsamo at mamahaling mira,tulad ng galbano, astakte o onica,parang usok ng insenso na pumapailanlang sa tahanang banal.
16. Yumabong ang aking mga sanga gaya ng ensina,madadahon at magaganda.
17-18. Tulad ng punong-ubas, nakatutuwa ang aking mga usbong;at ang bulaklak ko'y namunga ng dangal at kayamanan.
19. Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.
20. Sapagkat ang pag-alala ninyo sa akinay matamis pa kaysa pulot na galing sa bahay-pukyutan.
21. Kainin ninyo ako't inumin,at hihingi pa uli kayo.
22. Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”
23-24. Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.
25. Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.