Ecclesiastico 24:1-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ito ang papuri na isinalaysay ng Karunungan tungkol sa kanyang sarili,

2. sa kapulungan ng Kataas-taasang Diyos, ipapahayag niya,sa harap ng mga anghel magpupuri siya.

3. “Nanggaling ako sa bibig ng Kataas-taasang Diyos,at parang ulap na lumukob ako sa ibabaw ng lupa.

4. Ang tahanan ko'y nasa kaitaasan,at ang luklukan ko'y nasa ibabaw ng isang haliging ulap.

5. Nag-iisa akong naglibot sa kalangitanat naglakad sa pusod ng kalaliman,

6. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang tubig sa karagatan,ang buong daigdig at ang lahat ng mga bansa at lahi.

7. Naghanap ako ng mapapagpahingahan sa piling nila,namili ako sa kanilang mga lupain ng matitirahan.

8. At ang Lumalang sa lahat ang nag-utos sa akin;siya, na lumikha sa akin ang nagtakda ng aking tirahan.Sinabi niya, ‘Sa lupain ni Jacob, itayo mo ang iyong tahanan,ang bayang Israel ang iyong magiging mana.’

9. Nilikha niya ako bago pa nagsimula ang mga panahon,at mananatili ako magpakailanman.

10. Naglingkod ako sa kanya sa tahanang banal,at sa Bundok ng Zion ako nanirahan.

11. Ako nga'y pinatira niya sa lunsod niyang mahal,at inilagay niya ang Jerusalem sa ilalim ng aking pamamahala.

Ecclesiastico 24