Ecclesiastico 23:17-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Ang taong hayok sa laman; ang ganitong tao'y walang patawad sa babae,at di siya matitigil hanggang kamatayan.

18. Ang lalaking nangangalunya;sinasabi niya sa sarili, “Sino ang nakakakita sa akin?Ako'y nasa gitna ng dilim! Natatakpan ako ng mga dingding;walang nakakakita sa akin! Anong dapat kong ikatakot?Hindi na mapapansin ng Kataas-taasang Diyos ang aking mga kasalanan.”

19. Wala siyang kinatatakutan kundi ang mata ng tao.Hindi niya naiisip na ang paningin ng Panginoonay ilang libong higit na maliwanag kaysa sikat ng araw,na minamasdan ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at nakikita ang pinakatatagong lihim.

20. Alam na ng Panginoon ang lahat bago pa lalangin ang mga ito,at mananatiling alam niya matapos lalangin.

21. Ang ganyang tao'y darakpin sa oras na hindi niya inaasahan,at paparusahan sa harap ng buong bayan.

22. Gayundin ang babaing nagtaksil sa asawa,at nagkaanak sa ibang lalaki.

23. Una, sumuway siya sa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos;ikalawa, nilapastangan niya ang kanyang asawa;ikatlo, siya'y nangalunya,at nagkaanak siya sa ibang lalaki.

24. Ang ganyang babae ay paparusahan sa harap ng kapulungan,at pati ang mga anak niya'y madaramay.

25. Hindi sila igagalang sa lipunan,at hindi darami ang kanilang angkan.

26. Susumpain ang kanyang alaala,at hindi na mapapawi kailanman ang kanyang pagkapahiya.

27. Sa gayon, malalaman ng mga maiiwan,na walang kasimbuti ang gumalang sa Panginoon,at walang kasing tamis ang sumunod sa kanyang mga utos.

Ecclesiastico 23