1. Panginoon, aking Ama, kayo po ang may hawak ng aking buhay;huwag ninyo akong pabayaan sa kanilang binabalak,at nang dahil dito'y mapahamak ako.
2. Panginoon, bigyan po ninyo ako ng Karunungan,upang mapigil ko ang aking pag-iisip at maituwid ko ang aking mga hangarin.Huwag ko nawang makaligtaan ang aking mga kamalian;huwag ko nawang palampasin ang aking mga kasalanan.
3. Sa gayon, hindi na darami ang aking mga pagkakamali,at hindi na madaragdagan ang aking mga pagkakasala.Hindi na ako mahuhulog sa kamay ng aking mga kaaway,at hindi na nila pagtatawanan ang kawawa kong kalagayan.
4. Panginoon, aking Ama, Diyos ng aking buhay,huwag po ninyong ipahintulot na ako'y maging palalo sa pagtingin.
5. Ilayo po ninyo ako sa masasamang hilig.
6. Huwag ninyong ipahintulot na pagharian ako ng kabuktutan at kahalayanat alipinin ng mga kahiya-hiyang pagnanasa.
7. Pakinggan ninyo, mga anak, itong aking ituturo;ang sinumang susunod rito ay hindi mapapariwara.
8. Ang makasalanan ay nahuhuli sa sariling dila,at iyon din ang ikinapapahamak ng palalo at lapastangan.
9. Huwag ninyong uugaliin ang panunumpa,at huwag laging babanggitin ang pangalan ng Banal na Diyos.
10. Hindi maaaring hindi magkaroon ng latayang aliping palaging hinahagupit.Gayundin naman, hindi maaaring hindi magkasalaang taong laging nanunumpa at bumabanggit sa pangalan ng Diyos.
11. Dumarami ang ipinagkakasala ng taong laging nanunumpa,kaya't ang kanyang sambahayan ay hindi na hinihiwalayan ng sakuna.Kapag di niya tinupad ang sinumpaan, ito'y kasalanan;kapag ipinagwalang-bahala niya ang sinumpaan, ito'y dobleng kasalanan.At kapag siya'y nanumpa nang hindi naman kinakailangan, kasalanan pa rin.Kaya't sapin-sapin ang kapahamakang dumarating sa kanyang sambahayan.
12. May mga pangungusap na nakakatulad ng kamatayan;huwag nawang marinig iyon sa lahi ni Jacob.Ang may paggalang sa Diyos ay hindi gumagawa ng gayon,at di nagugumon sa kasalanan.
13. Huwag ninyong pamimihasahin ang inyong bibig sa magaspang at maruming pananalita,sapagkat iyan ay kasalanan.