Ecclesiastico 22:12-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Ang pagluluksa sa patay ay pitong araw lamang,ngunit ang pighating dulot ng hangal at walang takot sa Diyos ay panghabang buhay.

13. Huwag kang makikipag-usap nang malimit sa hangal,huwag kang dadalaw sa taong hindi nag-iisip,mangilag ka sa kanya, baka ikaw ay mapahamak!Madudungisan ka kapag siya'y nagpapalag,iwasan mo siya at magkakaroon ka ng katahimikan,at di ka na mayayamot sa kanyang mga kahangalan.

14. Ang ganyang mga tao ay mabigat pang dalhin kaysa tingga,at ano ang tawag sa kanya kundi “hangal”?

15. Ang buhangin, ang asin o ang isang pirasong bakal,ay magaan pang dalhin kaysa isang hangal.

16. Ang posteng nakakabit nang matibay sa pader ng gusaliay hindi matatanggal kahit na lumindol.Gayundin naman, ang pasyang nababatay sa masusing pag-aaral,ay hindi mababago sa harap ng matinding kagipitan.

17. Ang pasyang bunga ng matalinong pagkukuroay parang makinis na pader na may magandang gayak.

18. Ang maliliit na bato na naiwan sa ibabaw ng mataas na paderay pilit ipapadpad ng malakas na ihip ng hangin.Gayundin ang mangyayari sa panukala ng hangal; palibhasa'y batay sa haka-haka lamang,dagling napapaurong sa takot sa anumang panganib.

19. Sundutin mo ang mata at ito'y luluha;sugatan mo ang damdamin at ito'y magdaramdam.

20. Kapag binato mo ang mga ibon, sila'y magliliparan;kapag hinamak mo ang iyong kaibigan, lalayuan ka niya.

21. Kung napagbunutan mo man ng patalim ang iyong kaibigan,huwag kang mawalan ng pag-asa; maaari pa kayong magkasundo.

22. Kung nakagalitan mo man ang iyong kaibigan,huwag kang mag-alala; maaari pa kayong magkasundo.Ngunit kapag siya'y iyong hinamak, inalimura, o sinaksak nang patalikod, kapag isiniwalat mo ang kanyang mga lihim,sa ganitong pagkakataon, walang kaibigang mananatili sa iyo.

Ecclesiastico 22