1. Ang taong tamad ay parang batong lubog sa lusak,pinandidirihan at hinahamak ng lahat.
2. Ang katulad ng tamad ay isang tumpok na dumi,kapag may nakadampot, agad iwinawaksi.
3. Isang malaking kahihiyan ang magkaroon ng isang masuwaying anak,lalo na kung ito'y naging babae.
4. Ang mabait na anak na babae ay makakatagpo ng mabuting asawa,ngunit ang walang isip ay kapighatian ng ama.
5. Ang lapastangang anak na babae ay dalamhati ng kanyang ama't asawa,darating ang panahong siya'y itatakwil nila.