Ecclesiastico 21:22-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Ang hangal ay kaagad sumusugod na papasok sa isang bahay,ngunit ang may karanasan ay mapitagang naghihintay sa labas.

23. Ang lapastangan ay sumisilip sa loob ng bahay mula sa pintuan,ngunit ang may magandang asal ay naghihintay muna sa labas ng bahay.

24. Labag sa kagandahang-asal ang makinig sa kabila ng pinto,mahihiyang gumawa nang gayon ang taong matino.

25. Walang ginagawa ang madaldal kundi ipamalita ang bawat marinig,ngunit tinitimbang muna ng marunong ang bawat sasabihin.

Ecclesiastico 21