1. Anak, nakagawa ka ba ng kasalanan?Huwag mo nang ulitin ito at humingi ka agad ng tawad.
2. Layuan mo ang kasalanan na parang ahas;kapag lumapit ka'y tutuklawin ka niyan.Ang kanyang mga ngipin ay simbagsik ng ngipin ng leon at nakamamatay.
3. Ang paglabag sa batas ay parang tabak na magkabila'y talim,ang masugatan nito'y wala nang paggaling.
4. Ang palalo at mayabang ay mawawalan ng kayamanan;aalisin ito sa kanya ng paggalang at karahasan.
5. Dinidinig agad ng Panginoon ang daing ng maralita,at agad na ibinibigay ang katarungan.
6. Landas ng makasalanan ang tinutunton ng ayaw tumanggap ng pangaral,ngunit ang may paggalang sa Panginoon ay nagsisisi nang buong puso.
7. Bantog sa lahat ng dako ang taong magaling magsalita,ngunit halata agad siya ng marunong kapag nagkamali.
8. Ang nagpapatayo ng bahay sa pamamagitan ng salaping inutang,ay parang nag-iipon ng bato para sa sariling libingan.
9. Ang kalipunan ng masamang tao ay parang bunton ng kusot,hindi magtatagal at ito'y magliliyab.
10. Parang nilatagan ng bato ang daan ng makasalanan,ngunit ang tinutungo nito'y ang daigdig ng mga patay.
11. Ang sumusunod sa Kautusan ay nagsisikap na supilin ang kanyang mga hilig;at ang karunungan ang siyang kabuuan ng paggalang sa Panginoon.