20. Walang makikinig sa magandang aral kung galing sa hangal,sapagkat sinasabi niya iyon nang wala sa lugar.
21. Ang taong hindi makagawa ng masama dahil sa karukhaan,ay di liligaligin ng kanyang budhi pagdating ng gabi.
22. May nagpapatiwakal dahil sa maling kahihiyan;kikitlin niya ang kanyang buhay dahil sa kahangalan.
23. May nangangako sa kaibigan dahil lamang sa hiyang tumanggi,kaya lumilikha siya ng kaaway nang walang tunay na dahilan.
24. Isang maitim na batik sa isang tao ang magsinungaling,ngunit ang ganitong gawain ay mamamalagi sa labi ng mga hangal.