Ecclesiastico 20:16-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Lagi niyang hinanakit: “Mga kaibigan ko'y hindi tapat,mga walang utang na loob, di marunong magpasalamat.Matapos na pakainin ko, kung anu-ano pa ang isinusumbat!”

17. Kaya't siya'y laging kukutyain ng mga tao.

18. Mabuti pang madulas ang paa kaysa madulas ang dila;ito ang malimit maging sanhi ng pagbagsak ng masamang tao.

19. Ang taong may magaspang na ugali ay parang malaswang balita,lagi na lamang pinag-uusapan ng mga taong masama ang tubo ng dila.

20. Walang makikinig sa magandang aral kung galing sa hangal,sapagkat sinasabi niya iyon nang wala sa lugar.

Ecclesiastico 20