Ecclesiastico 20:1-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. May pangaral na hindi napapanahon,kaya may taong nananahimik kahit siya'y marunong.

2. Mabuti pa ang manaway kaysa mag-apoy sa galit.

3. Ang tumatanggap ng kamalian ay nakaligtas sa kahihiyan.

4. Parang lalaking kapon na nagtatangkang makuha ang pagkababae ng isang dalaga,ang gumagamit ng dahas upang mapalabas ang matuwid.

5. Mayroong taong ipinapalagay na marunong sapagkat siya'y tahimik,at mayroong kinayayamutan dahil sa kanyang kadaldalan.

6. May taong nananahimik sapagkat walang malamang sabihin,at mayroon namang ayaw magsalita sapagkat hindi pa napapanahon.

7. Ang marunong ay naghihintay ng tamang pagkakataon,ngunit ang hangal ay walang tigil ng kadadaldal.

31-32. Mabuti pang di hamak ang hangal na nagtatago ng kanyang kamangmangan,kaysa isang marunong na ayaw gumamit ng kanyang karunungan.

Ecclesiastico 20