Ecclesiastico 19:4-20-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Nakarinig ka ng balita? Sarilinin mo na lamang;huwag kang matakot, hindi ka sasabog dahil doon.

11. Kapag ang hangal ay nakasagap ng anumang balita,nababalisa siyang parang buntis na hindi mapaanak; sabik na sabik siyang isiwalat iyon sa madla.

12. Parang palasong nakatusok sa hita,ang isang lihim sa dibdib ng hangal.

13. Kausapin mo muna ang iyong kaibigan tungkol sa nabalitaan mong ginawa niya; baka naman hindi niya ginawa iyon.At sakaling ginawa nga niya, ay nang huwag nang maulit pa.

14. Kausapin mo ang iyong kapitbahay tungkol sa nabalitaan mong sinabi niya, baka naman hindi niya sinabi iyon.At sakaling sinabi nga niya, ay nang huwag nang maulit pa.

15. Kausapin mo ang iyong kaibigan sa nabalitaan mo tungkol sa kanya; kalimitan ang mga kumakalat na balita ay paninira lamang.Huwag ka agad maniniwala sa bali-balita.

16. Kung minsan, nadudulas ang dila ng tao nang di sinasadya;sino ba ang di nagkakasala sa pananalita?

Ecclesiastico 19