Ecclesiastico 19:17-19-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Inililigaw ng alak at babae ang matinong lalaki;at nawawalan ng kahihiyan ang nakikipagtalik sa babaing bayaran.

3. Hanggang sa siya'y mapahamak dahil sa kanyang kapusukan,at ang bangkay niya'y maging pagkain ng mga uod.

4. Ang madaling magtiwala ay nagpapakilalang mababaw ang isipan;at ang gumagawa ng masama ay nagpapahamak sa sarili.

5. Ang nalulugod sa masama ay hindi malayong mapaparusahan.

6. Ang umiiwas sa daldalan ay malayo sa kapahamakan.

7. Huwag mong sabihin sa iba ang bawat narinig mo,at hindi ka masasangkot sa maraming gulo.

8. Liban na lamang kung ipagkakasala mo ang di pagsasalita.Huwag mong isisiwalat ang lihim ng iba sa iyong kaibigan o kaaway.

9. Sapagkat may makakakita at makakarinig sa iyo,at hindi magtatagal at kapopootan ka.

17-19. Tanungin mo muna ang isang tao bago ka magbanta sa kanya,sa gayon, matutupad mo ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos nang hindi ka nagagalit.

20-21. Ang takot sa Panginoon ang kabuuan ng lahat ng Karunungan,at ang ganap na Karunungan ay pagtupad sa Kautusan.

22. Hindi tunay na Karunungan ang katalinuhan sa gawang masama,at walang mabuting ibubunga ang payo ng masasamang tao.

23. Mayroong karunungang karumal-dumal,at mayroon namang nag-aasal hangal dahil sa kanilang kamangmangan.

24. Mabuti pa ang kakaunti ang nalalaman ngunit may takot sa Diyos,kaysa napakarunong ngunit lumalabag sa Kautusan.

25. May katalinuhang ginagamit sa paglabag sa katarungan,at may mga taong nanlilinlang makamtan lamang ang ninanais.

26. May taong nakayuko at kunwa'y nagdadalamhati,ngunit ang totoo'y masama ang binabalak.

27. Nakapaling ang mukha at kunwa'y hindi nakakarinig,ngunit kapag walang nakakapansin, pagsasamantalahan ka.

Ecclesiastico 19