1. Kapag ganyan nang ganyan, hindi ka yayaman.Ang nag-aaksaya ng mumunting bagay, hindi magluluwat at mauubusan.
2. Inililigaw ng alak at babae ang matinong lalaki;at nawawalan ng kahihiyan ang nakikipagtalik sa babaing bayaran.
3. Hanggang sa siya'y mapahamak dahil sa kanyang kapusukan,at ang bangkay niya'y maging pagkain ng mga uod.
4. Ang madaling magtiwala ay nagpapakilalang mababaw ang isipan;at ang gumagawa ng masama ay nagpapahamak sa sarili.
5. Ang nalulugod sa masama ay hindi malayong mapaparusahan.
6. Ang umiiwas sa daldalan ay malayo sa kapahamakan.
17-19. Tanungin mo muna ang isang tao bago ka magbanta sa kanya,sa gayon, matutupad mo ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos nang hindi ka nagagalit.
20-21. Ang takot sa Panginoon ang kabuuan ng lahat ng Karunungan,at ang ganap na Karunungan ay pagtupad sa Kautusan.