2-3. Ang Panginoon lamang ang makatarungan.Walang ibang Diyos liban sa kanya.
16. Hindi ba ang hamog ay nakakapagpalamig sa init ng araw?Kung gayo'y higit pa sa kaloob ang magandang salita.
17. Ang magandang pangungusap ay higit na mahalaga kaysa isang regalong mamahalin,at ang dalawang ito ay kapwa ipinagkakaloob ng may tunay na magandang kalooban.
18. Ang hangal ay mapanumbat at masungit,ang bigay na mapait sa kalooban ng nagbigay ay mahapdi sa mata ng binigyan.
19. Mag-aral ka muna bago ka magsalita,at pangalagaan ang sarili bago pa dumapo ang sakit.
20. Suriin mo ang sarili bago sumapit ang paglilitis,at pagdating ng pagsisiyasat, magtatamo ka ng patawad.
21. Magpakumbabá bago dapuan ng sakitat magbalik-loob agad bago malulong sa kasalanan.
22. Huwag mong ipagpaliban ang pagtupad ng panata;huwag mong hintaying mabingit ka pa sa kamatayan bago tuparin iyon.
23. Bago ka gumawa ng panata, ihanda mo muna ang sarili;huwag mong tularan ang tumutukso sa Panginoon.
24. Isipin mo: Gusto mo bang magalit siya sa iyo sa oras ng kamatayan?Kapag hahatulan ka na niya, nais mo bang talikuran ka niya?
25. Alalahanin mo ang gutom kapag ikaw ay nasa kasaganaan,isipin mo ang karukhaan at pangangailangan sa panahong ikaw ay mayaman.
26. Gaano karaming pagbabago ang nagaganap sa maghapon?Ganyan kabilis magbago ang lahat ng bagay sa harap ng Panginoon.
27. Ang marunong ay maingat sa lahat ng bagay,at lalong nangingilag madungisan kapag lumulubha ang panganib na magkasala.