Ecclesiastico 18:1-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang Diyos na nabubuhay magpakailanmanang siyang lumikha ng sanlibutan.

4. Walang makakapaghayag ng mga ginawa ng Panginoon,at wala ring makakaunawa ng kanyang mga panukala.

5. Sinong makakasukat ng kanyang karangalan?Sinong makakapagsalaysay ng kanyang habag?

6. Walang maidadagdag o mababawas sa mga ito ang tao.Talagang di kayang maabot ng kanyang isipan ang mga kahanga-hangang gawa ng Panginoon.

7. Kapag nabaybay niya ang lahat, siya'y nagsisimula pa lamang,at pagtigil niya'y lito ang kanyang isip.

8. Ano ba ang tao, at ano ang kanyang katuturan?Ano ang halaga ng kabutihan o kasamaang nagagawa niya?

9. Tingnan mo na lamang ang haba ng kanyang buhay: Mahaba na ang sandaang taon.

10. Parang isang patak ng tubig mula sa dagat, o buhangin sa dalampasigan—ganyan ang buhay ng tao, kung ipaparis sa panahong walang hanggan.

11. Kaya naman pinagpapaumanhinan ng Diyos ang mga tao,at ibinubuhos sa kanila ang kanyang habag.

12. Nakikita at nauunawaan niya ang kahabag-habag nilang wakas;dahil dito'y lalo niyang dinadagdagan ang kanyang pagpapatawad.

13. Ang pagkahabag ng tao ay para sa kanyang kapwa lamang,ngunit kinaaawaan ng Panginoon ang lahat ng may buhay.Inaakay niya sila sa tumpak na landas, itinutuwid ang kamalian, sinusupil kung kailangan,tinuturuan, at ibinabalik kapag naliligaw, gaya ng ginagawa ng pastol sa kanyang kawan.

Ecclesiastico 18