Ecclesiastico 17:3-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Pinagkalooban niya sila ng kalakasang tulad ng sa kanya,at ginawa silang kawangis niya.

6. Binigyan niya ang tao ng dila, mga mata at tainga,at kapangyarihang mag-isip at magpasya.

7. Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan,at tinuruang kumilala ng mabuti at masama.

10. upang papurihan nila ang kanyang pangalanat ipahayag ang kadakilaan ng kanyang mga gawa.

11. Ibinigay niya sa tao ang kanyang mga aral,at ipinamana sa kanila ang Kautusang nagbibigay-buhay.

12. Nakipagtipan siya sa mga tao magpakailanman,at ipinahayag sa kanila ang kanyang mga kautusan.

13. Nakita nila ang kanyang maningning na paghahari,at narinig nila ang kanyang maluwalhating tinig.

14. Sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa lahat ng masama;”at iniutos sa kanila ang tungkulin ng bawat isa sa kanyang kapwa.

19. Ang gawa ng tao'y malinaw pa sa liwanag ng arawat minamasdan ng Panginoon ang pamumuhay ng tao.

22. Parang singsing na pantatak sa paningin ng Panginoon ang pagkakawanggawa ng tao,pinahahalagahan niyang parang balintataw ng kanyang mga mata ang kanilang kabutihang asal.

Ecclesiastico 17