1. Nilikha ng Panginoon ang tao mula sa alabok,at ito'y sa alabok din uuwi.
2. Binigyan niya ang tao ng maikling buhay,ngunit ipinailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.
3. Pinagkalooban niya sila ng kalakasang tulad ng sa kanya,at ginawa silang kawangis niya.
4-5. Niloob ng Panginoon na ang lahat ng may buhay ay matakot sa tao,at maghari ito sa mga hayop sa lupa at ibon sa himpapawid.
6. Binigyan niya ang tao ng dila, mga mata at tainga,at kapangyarihang mag-isip at magpasya.
7. Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan,at tinuruang kumilala ng mabuti at masama.
15-16. Nakikita ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at walang nalilingid sa kanya na anuman.
17-18. Nang itatag ng Panginoon ang iba't ibang bansa sa daigdig, binigyan niya ang bawat bansa ng kanyang tagapamuno;ngunit ang Israel ay hinirang niyang maging bayan niya.
20-21. Hindi maitatago sa kanya ang kanilang kasamaan,at nakikita niya ang lahat nilang kasalanan.