Ecclesiastico 17:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Nilikha ng Panginoon ang tao mula sa alabok,at ito'y sa alabok din uuwi.

2. Binigyan niya ang tao ng maikling buhay,ngunit ipinailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.

15-16. Nakikita ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at walang nalilingid sa kanya na anuman.

17-18. Nang itatag ng Panginoon ang iba't ibang bansa sa daigdig, binigyan niya ang bawat bansa ng kanyang tagapamuno;ngunit ang Israel ay hinirang niyang maging bayan niya.

Ecclesiastico 17