9. Hindi niya kinahabagan ang mga bansang itinalaga niyang lipulin,napuksa silang lahat dahil sa kanilang pagkakasala.
10. Gayundin ang 600,000 kawal na naghimagsik laban sa kanyanang sila'y naglalakbay sa ilang.
11. Kahit iisa lamang kawal ang lumaban sa Panginoon,maituturing na himala kung siya'y makaligtas sa parusa.Sapagkat nasa Panginoon ang habag at nasa kanya rin ang galit;makapangyarihan siyang magpatawad o magparusa.
12. Dakila ang kanyang habag ngunit kakila-kilabot ang kanyang poot,at hinahatulan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito.
13. Hindi makakaligtas sa parusa niya ang nagnakaw,at hindi naman mabibigo ang pag-asa ng makadiyos.
17. Huwag mong sabihing, “Magtatago ako sa Panginoon!Sino ba sa sangkalangitan ang makakaalala sa akin?Sino ang makakapansin sa akin sa karamihan ng mga tao?Ang mga nilikha ay lubhang napakarami, ano ang kabuluhan ko?
18. Ang alapaap at ang langit sa itaas nito,ang mga karagatan sa palibot ng lupa, at ang sangkalupaan, tiyak na manginginig pagdating ng Panginoon.
19. Ang mga bundok at ang mga saligan ng lupapawang magigimbal at mayayanig matingnan lamang niya.
20. Hindi na niya ako mapapansin!Sino ba ang mag-aabala sa mga ginagawa ko?
21. Kung ako ma'y magkasala, wala namang makakakita!At kung ako'y magsinungaling, sino ang makakaalam?