Ecclesiastico 16:18-29 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Ang alapaap at ang langit sa itaas nito,ang mga karagatan sa palibot ng lupa, at ang sangkalupaan, tiyak na manginginig pagdating ng Panginoon.

19. Ang mga bundok at ang mga saligan ng lupapawang magigimbal at mayayanig matingnan lamang niya.

20. Hindi na niya ako mapapansin!Sino ba ang mag-aabala sa mga ginagawa ko?

21. Kung ako ma'y magkasala, wala namang makakakita!At kung ako'y magsinungaling, sino ang makakaalam?

22. Sino ang magsasabi sa Panginoon kung ang gawa ko'y makatarungan?At sino ang mag-aalalang maghintay sa kanyang hatol?”

23. Ganyan ang iniisip ng walang bait.Iyan ang sinasabi ng mangmang.

24. Makinig ka, anak ko, at pakaisipin mo itong aking sasabihin,nang ikaw ay matuto at makaunawa.

25. Ang ilalahad ko'y mga aral na hindi mababago;ang ipakikilala ko sa iyo'y buong katotohanan.

26. Nang lalangin ng Panginoon ang mga unang nilikha,kapagdaka'y binigyan niya ang bawat isa ng kanya-kanyang tungkulin.

27. Itinakda na niya ang kani-kanilang gagampanan,at ang kanilang paghahari sa lahat ng salinlahi, ng mga panahon.Walang nagugutom o nauuhaw kailanman,at wala ring napapagod o humihinto sa kanilang gawain.

28. Hindi sila nag-aagawan ng daraanan o nagsisiksikan,at walang sumusuway sa kanyang batas.

29. Pagkatapos, pinagmasdan ng Panginoon ang lupa,at pinagyaman niya ito ng lahat ng mabubuting bagay.

Ecclesiastico 16