1. Huwag kang maghahangad ng maraming anak na walang silbi.Hindi maipagkakapuri ang maraming anak na lalaki na hindi kumikilala sa Diyos.
2. Hindi mo sila maipagmamalaki gaano man sila karami,kung sila'y walang takot sa Panginoon.
3. Huwag mong aasahan ang kanilang bilang,at huwag kang mananalig na hahaba ang kanilang buhay.Kung minsa'y mabuti pa ang iisang anak kaysa sanlibo,o mamatay na walang anak kaysa magkaroon ng marami ngunit masasama.
4. Ang isang malaking bayan ay maaaring magmula sa isang mabuting tao,ngunit tuluyang malilipol ang isang lahi kung sila'y masasama.
5. Marami nang pangyayaring tulad niyan ang aking nakita,ngunit higit pa riyan ang aking nabalitaan.
6. Ang galit ng Panginoon ay nagsisiklab na parang apoy laban sa isang maliit na pangkat ng masasamang tao;ngunit lumalagablab iyon na parang sunog laban sa isang bansang masuwayin.
7. Hindi niya pinatawad ang lahi ng mga higante noong unang panahon,na nanalig sa sariling lakas at lumaban sa kanya.
8. Hindi niya kinahabagan ang bayang tinirahan ni Lot,at kinasuklaman niya dahil sa kanilang kapalaluan.
9. Hindi niya kinahabagan ang mga bansang itinalaga niyang lipulin,napuksa silang lahat dahil sa kanilang pagkakasala.
10. Gayundin ang 600,000 kawal na naghimagsik laban sa kanyanang sila'y naglalakbay sa ilang.
11. Kahit iisa lamang kawal ang lumaban sa Panginoon,maituturing na himala kung siya'y makaligtas sa parusa.Sapagkat nasa Panginoon ang habag at nasa kanya rin ang galit;makapangyarihan siyang magpatawad o magparusa.