6. Lalasap ka ng tunay na galak at kaligayahan,at hindi ka makakalimutan magpakailanman.
7. Ngunit ang Karunungan ay di man lamang masisilayan,ng mga mangmang at mahilig sa kasalanan.
8. Lalayuan ng Karunungan ang mapagmataas,at hindi siya papasok sa isipan ng sinungaling.
9. Hindi marapat na ang makasalanan ay umawit ng papuri,sapagkat hindi ito katanggap-tanggap sa Panginoon.
10. Ang pag-awit ng papuri ay pagpapahayag ng karunungan,sa pang-aakit na rin ng Panginoon.