Ecclesiastico 15:1-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kung may paggalang ka sa Panginoon, ito ang gagawin mo:Magpapakadalubhasa ka sa Kautusan, upang makamtan mo ang Karunungan.

2. Sasalubungin ka niya, tulad ng isang ina,paglilingkuran ka, gaya ng asawang bagong kasal.

3. Dudulutan ka niya ng karunungan at kaalaman,na parang masarap na pagkain at inumin.

4. Sumandig ka at magtiwala sa kanya,at hindi ka magdaranas ng kabiguan.

5. Kapag nagsalita ka sa kapulungan, ituturo niya sa iyo ang iyong sasabihin;at magiging mas marangal ka kaysa iyong mga kasamahan.

6. Lalasap ka ng tunay na galak at kaligayahan,at hindi ka makakalimutan magpakailanman.

7. Ngunit ang Karunungan ay di man lamang masisilayan,ng mga mangmang at mahilig sa kasalanan.

8. Lalayuan ng Karunungan ang mapagmataas,at hindi siya papasok sa isipan ng sinungaling.

Ecclesiastico 15