Ecclesiastico 14:19-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Masisirang lahat ang ginawa ng kamay ng tao,at pati ang may gawa ay kasama nilang maglalaho.

20. Mapalad ka, O tao, kung binubulay mo ang Karunungan,at nangangatuwiran ka nang may katalinuhan.

21. Mapalad ka kung pinag-aaralan mo ang kanyang mga tuntunin,at sinasaliksik ang kanyang mga lihim.

22. Mapalad ka kung nagmamanman ka sa kanya na parang isang mangangaso,at nag-aabang sa kanyang daraanan.

23. Mapalad ka kung sumisilip ka sa kanyang mga durungawan,at nakikinig ka sa kanyang mga pintuan.

24. Mapalad ka kung naninirahan ka sa kanyang piling;sa kanyang mga muog nagbabaon ng tulos ng tolda,

Ecclesiastico 14