Ecclesiastico 14:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mapalad ang taong hindi nadudulas sa pananalita,at di binabagabag ng kanyang mga sinabi.

2. Mapalad ang taong hindi sinusumbatan ng sariling budhi,at hindi nawawalan ng pag-asa.

3. Hindi dapat ang salapi sa kuripot,ano ang mapapala ng kuripot sa kanyang kayamanan?

4. Ang nagdadamot sa sarili ay nag-iimpok para sa iba,ang mga ito ang magpapasasa sa kanyang pinaghirapan.

Ecclesiastico 14