Ecclesiastico 14:1-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mapalad ang taong hindi nadudulas sa pananalita,at di binabagabag ng kanyang mga sinabi.

2. Mapalad ang taong hindi sinusumbatan ng sariling budhi,at hindi nawawalan ng pag-asa.

3. Hindi dapat ang salapi sa kuripot,ano ang mapapala ng kuripot sa kanyang kayamanan?

4. Ang nagdadamot sa sarili ay nag-iimpok para sa iba,ang mga ito ang magpapasasa sa kanyang pinaghirapan.

5. Ang maramot sa sarili'y kanino pa magbibigay,kayamanang naipon niya'y hindi niya papakinabangan.

6. Wala nang hihigit pa sa karamutan ng maramot sa sariling kapakanan,karamutang taglay niya'y siya na ring kaparusahan.

7. Gumawa man siya ng mabuti'y hindi niya sadya ang kabutihan,at hindi magtatagal ay malalantad ang kanyang kasakiman.

8. Kaysama ng taong gahaman ang pananaw,walang paglingap at malasakit sa kanyang kapwa.

9. Laging akala ng sakim ay kakaunti ang kinamtan,pagkat ang damdamin niya'y pinuspos ng kasakiman.

10. Pagkain ng kuripot ay kanya pang pinanghihinayangan,kaya't walang nakahain sa kanyang hapag-kainan.

Ecclesiastico 14