6. Kapag may kailangan siya sa iyo, lilinlangin ka niya nang husto,ngingitian ka at pupurihin, at talagang papapaniwalain.Sasabihin pa niya sa iyo, “Ano ang maipaglilingkod ko?”
7. Pakakainin ka niya nang pakakainin, hanggang sa mapahiya kang siya'y biguin.Pagkatapos, dalawa o tatlong beses kang pagsasamantalahan,at sa wakas ikaw pa ang pagtatawanan.At sakaling kayo'y muling magkita,lalampasan kang wari'y di kakilala.
8. Huwag kang labis na magtitiwala kaninuman,nang huwag kang mapahiya dahil sa iyong kahangalan.
9. Kapag inanyayahan ka ng isang may kapangyarihan,huwag ka agad sasama; sa gayon, lalo ka niyang pipilitin.
10. Huwag kang labis na didikit sa kanya at baka ikaw ay kayamutan,huwag ka rin namang labis na lalayo at baka ka niya malimutan.
11. Sa pakikitungo'y huwag kang papantay sa kanya.Huwag kang magtitiwala agad sa kanyang mga sinasabi.Sa inyong mahabang pag-uusap ay sinusubukan ka niya,at pangiti-ngiti ka niyang sinisiyasat.
12. Walang habag ang taong nagbubunyag ng iyong lihim,at hindi ka niya panghihinayangang saktan o ipabilanggo.
15. Minamahal ng bawat nilalang ang kanyang katulad,iniibig naman ng tao ang kanyang kapwa.
16. Hinahanap ng bawat nilikha ang kanyang kauri,nakikipag-ugnay naman ang tao sa kanyang kapwa-tao.
17. Hindi maaaring makisalamuha ang tupa sa asong-gubat;gayundin ang banal sa makasalanan.
18. Hindi maaaring magsalo ang asong alaga at ang asong-gubat;gayundin ang mayaman at ang dukha.
19. Kinakain ng mga leon ang mga asnong ligaw na nasa ilang;ang mahihirap nama'y pinagsasamantalahan ng mayayaman.
20. Kinasusuklaman ng palalo ang mababang-loob,at kinamumuhian ng mayaman ang maralita.
21. Kapag nadapa ang mayaman, inaalalayan siya ng mga kaibigan,ngunit kapag mahirap ang nabuwal, itinatakwil siya ng mga kasamahan.
22. Kapag natisod ang mayaman, maraming kamay ang sasalo sa kanya,at magsalita man siya nang walang katuturan, para sa kanila iyon ay makatuwiran.Ngunit kapag natisod ang mahirap, siya pa ang sinisisi,at kahit mabuti ang kanyang sinasalita, wala namang nagpapahalaga.
23. Kapag mayaman ang nagsasalita, ang lahat ay tumatahimik,at bawat sabihin niya'y pinupuri hanggang langit.Ngunit kapag nagsalita ang mahirap, “Sino ba siya?” tanong nila,at kung siya ay madulas, ipinagtutulakan pa siya.
24. Ang kayamanan ay mabuti kung hindi kinamtan sa masamang paraan,at ang karukhaan naman ay kasawian lamang sa paningin ng makasalanan.