Ecclesiastico 12:2-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Kapag gumawa ka ng mabuti sa taong maka-Diyos, tiyak na tatanggap ka ng gantimpala;kung hindi mula sa kanya, ay mula sa Kataas-taasan.

3. Walang matatamong kabutihan ang gumagawa ng masama,o ang hindi tumutulong sa mga dukha.

4. Tulungan mo ang mga taong may takot sa Diyos, huwag ang mga makasalanan.

5. Gawan mo ng mabuti ang mababang-loob; huwag mong bigyan ng anuman ang palalo.Huwag mo siyang bibigyan ng pagkain;gagamitin lamang niya ang kabaitan mo laban sa iyo.Patung-patong na kapinsalaan ang sasapitin mo,bilang ganti sa kabutihang ginawa mo sa kanya.

6. Pati ang Kataas-taasang Diyos ay napopoot sa makasalanan,at paparusahan niya sila sa takdang panahon.

7. Ang bigyan mo ay ang mabubuting tao, at huwag mong tulungan ang mga makasalanan.

8. Sa panahon ng kasaganaan, hindi mo makikilala ang tunay na kaibigan,at sa panahon naman ng kasawian, hindi maikakaila ang kaaway.

9. Kapag ikaw ay masagana, pati ang kaaway ay nagmamagandang-loob,ngunit pagsapit ng dagok ng kapalaran, mawawala ang mga kaibigan.

10. Huwag kang magtitiwala kailanman sa kaaway;kung paanong ang kalawang ay sumisira sa bakal, ang galit niya sa iyo'y pilit na iiral.

11. Kahit na siya'y lumapit sa iyong maamo at mapayapa,mag-ingat ka, at manatili kang handa.Ang katulad niya'y salaming metal,sinisira ng kalawang kapag hindi kinuskos.

Ecclesiastico 12