Ecclesiastico 12:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kung gagawa ka ng mabuti, tiyakin mo kung kanino mo gagawin iyon,upang pasalamatan ka sa iyong pagmamagandang-loob.

2. Kapag gumawa ka ng mabuti sa taong maka-Diyos, tiyak na tatanggap ka ng gantimpala;kung hindi mula sa kanya, ay mula sa Kataas-taasan.

3. Walang matatamong kabutihan ang gumagawa ng masama,o ang hindi tumutulong sa mga dukha.

4. Tulungan mo ang mga taong may takot sa Diyos, huwag ang mga makasalanan.

Ecclesiastico 12