Ecclesiastico 11:8-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Makinig ka muna bago ka sumagot,at huwag kang sumabad hangga't hindi natatapos ang nagsasalita.

9. Huwag kang makipagtalo tungkol sa mga bagay na wala ka namang kinalaman,at huwag kang makikialam sa pagpapasya ng mga makasalanan.

10. Anak, huwag mong pakaramihan ang iyong mga panukala,kapag napakarami ng iyong saklaw, hindi mo makakayanan;kung naghahabol ka, hindi ka aabot,at kung ikaw ang hinahabol, hindi ka makakatakas.

11. May taong trabaho nang trabaho at lagi nang humahangos,patuloy ang kayod ngunit lalo lamang naghihikahos.

12. Mayroon namang bahagya nang makagulapay,babagal-bagal, mahina, walang kaya, at sadsad sa hirap,ngunit nang lingapin siya ng Panginoon,naging matiwasay ang kanyang buhay.

13. Nakabangon siya at nag-ani ng tagumpay,at namangha ang lahat sa nangyari sa kanya.

17. Mananatili sa banal ang kaloob ng Panginoon,at ang pagpapala niya'y nagdudulot ng patuloy na tagumpay.

18. Maaaring yumaman ang isang tao sa pamamagitan ng pagsisikap at pagkakait sa sarili,ngunit sa bandang huli, ano ang mapapala niya?

19. Sasabihin niya: “Maaari na akong mamahinga ngayon,maaari na akong magpasarap sa buhay sa dami ng aking naipon.”Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan siya mabubuhay,at iiwan niya sa iba ang lahat niyang pinagpaguran.

20. Panindigan mo ang pinasukang kasunduan, at tuparin iyon nang buong sikap,at magpakatanda ka sa iyong hanapbuhay.

Ecclesiastico 11