Ecclesiastico 11:31-34 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Binabaluktot niya ang kahulugan ng mga bagay,pinasasama ang mabuti at binibigyang-sala ang walang kasalanan.

32. Sa isang tilamsik ng apoy nagmumula ang siga;ang makasalanang may masamang hangarin ay humahantong sa pagdanak ng dugo.

33. Mag-ingat ka sa taong masama at sa kanyang mga pakana,baka ikaw ay ipahamak niya magpakailanman.

34. Kapag kumupkop ka sa iyong tahanan ng taong di mo kaanu-ano,magúgulo ang iyong sambahayan, at lalayuan ka ng mga kadugo mo.

Ecclesiastico 11