1. Naitataas ng maralita ang kanyang noo kung siya'y marunong,at ibibilang siya sa hanay ng mga dakila.
2. Huwag mong dadakilain ang isang tao dahil lamang sa kanyang magandang kaanyuan,at huwag mo namang hahamakin ang sinuman dahil sa kanyang kapangitan.
3. Ang pukyutan ay isa sa pinakamaliit na hayop na lumilipad,ngunit ang kanyang pulot ay pinakamasarap.
4. Huwag mong ipagmarangya ang magara mong kasuotan,at huwag kang magmamataas sa panahong ikaw ay pinaparangalan;sapagkat kahanga-hanga ang pamamaraan ng Panginoon,at lingid sa mga tao ang kanyang mga gawa.
5. Maraming hari ang napilitang maupo sa lupa,at may naging hari naman na di sukat akalain.
6. May mga pinunong nawalan ng kapangyarihan,at may mga tanyag na tao ang nahulog sa kapangyarihan ng iba.
7. Magsuri ka muna bago ka humatol,at isipin mo muna bago ka magmatuwid.
8. Makinig ka muna bago ka sumagot,at huwag kang sumabad hangga't hindi natatapos ang nagsasalita.
14-16. Kung minsa'y masarap, kung minsa'y masaklap ang padala ng Panginoon:ang kabiguan at tagumpay, ang kayamanan at karukhaan,ang buhay at kamatayan ay sa kanya nagmumula.