Ecclesiastico 10:1-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Tinuturuan ng mabuting punong-bayan ang kanyang nasasakupan,at binibigyan sila ng matatag at maayos na pamamahala.

2. Kung anong uri ng pangulo ay gayundin ang mga kagawad,at kung ano ang pinuno ng lunsod, gayundin ang mamamayan.

3. Mawawasak ang buong bansa kapag ang hari ay isang mangmang,ngunit uunlad ang bayan kung may pang-unawa ang mga pinuno ng lunsod.

4. Ang pamamahala sa daigdig ay nasa kamay ng Panginoon,at siya ang nagpapadala ng mabubuting tagapamuno pagdating ng takdang panahon.

5. Nasa Panginoon din ang tagumpay ng bawat tao,at siya ang nagpaparangal sa mga gumagawa ng batas.

6. Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa tuwing magkakasala ang iyong kapwa sa iyo,at huwag kang gagawa ng anuman dahil sa simbuyo ng damdamin.

7. Ang kapalaluan ay kinasusuklaman ng Panginoon at ng tao,kapwa rin sila napopoot sa pang-aapi.

8. Dahil sa kasakiman, kapalaluan at pang-aapi bumabagsak ang mga bansa;palit-palit lamang sila sa pananakop sa iba.

20-21. Sa isang angkan ang puno ng sambahayan ay pinaparangalan,pararangalan din ng Panginoon ang mga may takot sa kanya.

Ecclesiastico 10