3. Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
8. Iisa lamang ang talagang marunong;dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.
9. Ang Panginoon ang lumikha ng Karunungan,kinilala niya ang kahalagahan nitoat ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.
20-21. Ang paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan,at ang mga sanga naman nito ay mahabang buhay.
22. Ang marahas na galit ay laging walang katuwiran;mapapahamak ang tao sa sandaling padala siya sa kanyang galit.
23. Maghintay ka at magtimpi,at sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan.
24. Huwag kang magsalita hanggang hindi napapanahon;pagkatapos, igagalang ng lahat ang iyong katalinuhan.
25. Ang Karunungan ay may magagandang aral na iniingatan,ngunit ang makasalanan ay nasusuklam sa kabanalan.
26. Sundin mo ang Kautusan, kung nais mo ng Karunungan;ito'y masaganang ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon.
27. Ang paggalang sa Panginoon ay karunungan at kaalaman;nalulugod siya sa matapat at mababang-loob.
28. Huwag mong itatakwil ang paggalang sa Panginoon;huwag kang dudulog sa kanya nang di tapat sa loob.
29. Pag-ingatan mo ang iyong pananalita,at huwag kang magkukunwari sa paningin ng mga tao.
30. Huwag kang magmamataas,baka ka bumagsak at sukdulang mapahiya.Ihahayag ng Panginoon ang iyong mga lihim,at hihiyain ka niya sa harap ng madla,sapagkat dumulog ka sa kanya nang walang paggalang,at ang puso mo'y puno ng pandaraya.