14. Ang paggalang sa Panginoon ay simula ng tunay na Karunungan;sa sinapupunan pa ng ina'y kasama na siya ng mga tapat.
15. Nanirahan siya sa gitna ng mga tao mula pa noong unaat magtitiwala sa kanya ang mga susunod na salinlahi.
16. Ang may paggalang sa Panginoon ay siyang nagkakamit ng pinakamataas na Karunungan;mag-uumapaw sa kanila ang kanyang masaganang bunga,
17. pinasasagana niya sa mabubuting bagay ang kanilang tahanan,pinupuno niya ng masaganang ani ang kanilang mga kamalig.
18. Ang paggalang sa Panginoon ay magandang bulaklak ng Karunungan,na nagdudulot ng kapayapaan at kalusugan.
19. Namamahagi siya ng kaalaman at ganap na pagkaunawa;ang nagpapahalaga sa kanya ay kanyang pinaparangalan at pinagiging tanyag.
20-21. Ang paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan,at ang mga sanga naman nito ay mahabang buhay.
22. Ang marahas na galit ay laging walang katuwiran;mapapahamak ang tao sa sandaling padala siya sa kanyang galit.
23. Maghintay ka at magtimpi,at sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan.
24. Huwag kang magsalita hanggang hindi napapanahon;pagkatapos, igagalang ng lahat ang iyong katalinuhan.
25. Ang Karunungan ay may magagandang aral na iniingatan,ngunit ang makasalanan ay nasusuklam sa kabanalan.
26. Sundin mo ang Kautusan, kung nais mo ng Karunungan;ito'y masaganang ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon.
27. Ang paggalang sa Panginoon ay karunungan at kaalaman;nalulugod siya sa matapat at mababang-loob.