1. Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan,at iyon ay taglay niya magpakailanman.
2. Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw,o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
3. Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
20-21. Ang paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan,at ang mga sanga naman nito ay mahabang buhay.