1. Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan,at iyon ay taglay niya magpakailanman.
2. Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw,o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
3. Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
8. Iisa lamang ang talagang marunong;dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.
9. Ang Panginoon ang lumikha ng Karunungan,kinilala niya ang kahalagahan nitoat ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.
10. Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao,ngunit higit na masagana ang kaloob niya sa mga umiibig sa kanya.
11. Kung may paggalang ka sa Panginoon, magkakamit ka ng karangalan at kasiyahan,mapuputungan ka ng tuwa at kagalakan.