Deuteronomio 26:5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Pagkatapos ay bibigkasin ninyo ang mga salitang ito sa harapan ni Yahweh:‘Isang pagala-galang Arameo ang aking ninuno. Dinala niya ang kanyang pamilya sa Egipto upang manirahan doon. Kakaunti lamang sila nang magpunta doon, ngunit sila'y dumami nang dumami at naging isang malaki at makapangyarihang bansa.

Deuteronomio 26

Deuteronomio 26:1-11