Deuteronomio 14:2-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.

3. “Huwag kayong kakain ng anumang bagay na marumi.

4. Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: baka, tupa, kambing,

5. usa, gacela, kambing bundok, antilope, at tupang bundok.

6. Maaari rin ninyong kainin ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura.

7. Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkain mula sa sikmura. Huwag din ninyong kakainin iyong ngumunguya ngunit hindi biyak ang kuko, tulad ng kamelyo, kuneho, at dagang bukid. Ang mga ito ay marurumi.

Deuteronomio 14