Deuteronomio 10:14-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Ang pinakamataas na langit, ang daigdig at ang lahat ng narito ay kay Yahweh.

15. Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili niya sa gitna ng maraming bansa.

16. Kaya nga, maging masunurin kayo at huwag maging matigas ang inyong ulo.

17. Sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot, walang itinatangi, at hindi nasusuhulan.

Deuteronomio 10