Deuteronomio 1:44-46 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

44. Kaya naman parang mga bubuyog na dinagsa kayo ng mga Amoreo; ginapi nila kayo at tinugis hanggang Horma.

45. Dumaing kayo kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo pinakinggan o pinansin man lamang.

46. “Kaya, napilitan kayong tumigil nang matagal sa Kades.

Deuteronomio 1